Future Culture

Futurist Writer Lei Kalina writes her tongue-in-cheek musings and ramblings on the growing worldwide phenomenon of the growth of the Future Culture in the 21st Century

Future Culture In The 21st Century

Future Culture In the 21st Century

Futures Studies, Foresight, or Futurology , according to Wikipedia, is the science, art and practice of postulating possible, probable, and preferable futures and the worldviews and myths that underlie them. Futures studies (colloquially called "Futures" by many of the field's practitioners) seeks to understand what is likely to continue, what is likely to change, and what is novel. Part of the discipline thus seeks a systematic and pattern-based understanding of past and present, and to determine the likelihood of future events and trends. Futures is an interdisciplinary field, studying yesterday's and today's changes, and aggregating and analyzing both lay and professional strategies, and opinions with respect to tomorrow.

Wednesday, July 16, 2008

Andito Na Sila, Mga Pinoy Futurists!
























Andito na ang mga Pinoy Futurists!


Oops, andito na sila: ang mga modern-day Prometheus --- ibig-sabihin ay “forethought” sa Greek mythology --- mga forward-thinkers na karamihan ay mga future-oriented na indibidwal sa larangan ng computer science, evolutionary biology, engineering, economics, political at physical sciences, teknolohiya, matematika, pilosopiya at iba pang mga disiplina.

Ang tawag sa kanila: mga futurists. At ano nga ba ang isang “futurist”?

Ang isang futurist, ayon sa Wikipedia , ay mga indibidwal na nakatutok sa pag-aanalisa sa future o kinabukasan , at nakatuon ang pag-iisip at pag-aaral sa 3 P at isang W : possible, probable, “preferable futures”, at wildcards ---- ang mga low-probability nguni’t high-impact na mga kaganapan, kung ito ay magaganap.

Sabi naman ng AccelerationWatch.com, binubuo ng mga makabagong futurists, ang futurist daw ay mga visionary thinkers, manunulat , at mga “presenters” ( nakatuon ang pag-aaral , pananaliksik at pag-aanalisa sa kinabukasan) sa mga kaparaanan tulad ng pag-gamit ng imahinasyon, intuition, analohiya, argumento, lohika , strategy development, marketing, goalsetting, forecasting, statistika, trend analysis, prediction market development, visioning, risk analysis and management, at iba pang future-oriented na mga aktibidad.

Si Alvin Toffler, binansagan ng Financial Times na “pinakasikat na futurologist sa buong mundo” at may akda ng mga makabagong idea sa mga aklat tulad ng “Third Wave” , “Future Shock” at “Revolutionary Wealth” , ang isa sa mga pinakaunang nagtalakay ng mga pilosopiya niyang digital revolution, communications revolution, corporate revolution at technological singularity.

Kamakailan, taong 2003 nang walong pioneering futurist-scientists ang bumuo ng Acceleration Studies Foundation (www.accelerating.org ) , na nagsusulong din ng mga makabagong ideya at pilosopiya sa Los Angeles, California, kung saan umusbong ang Las Vegas futurists, Hawaii futurists, New York futurists, Phoenix futurists, at iba pa.

Isa sa mga futurists na ito ay isang Filipino-American, si Gilda Cabral, founder ng Las Vegas futurists, at siya rin ang nagdala ng konsepto ng future salon o futurist meetings/ discussions dito sa Pilipinas. Dahil dito, isinilang ang mga Manila futurists, o ang Manila Futurists Society.

Bilang isang bagong futurist at moderator din ng Manila Futurists Society online discussions ( www.themanilafuturists.tk ) at seminar-events hinggil sa mga pang-hinaharap na talakayan ( “the future of medicine’, “the future of environment’ , etc) , ako ay natutuwang mapabilang sa mga “thinking activists” : mga “aktibista” sa mabuti at mapayapang paraan, nagsasaliksik sa mga bagong imbensyon, bagong teknolohiya, makabagong mga kaparaanan para sa positibong pagbabago sa larangan ng lipunan, agham at teknolohiya, environment, kalusugan at medisina, at iba pa.

Kakaibang mundo ito, makulay, masaya, at gumigising sa dating natutulog kong utak: ang pananaliksik at pag-aaral ng mga medical breakthroughs, trends at innovations, mga makabagong idea sa panahon ng 21st century na nakaugnay sa iba’t-ibang larangan at aspeto ng buhay.
Pakiramdam ko ay bata akong muli na na-trap sa isang malawakang piyesta ---- nag-aaral, nananaliksik, parang sumuot sa isang maze na maraming pasikot-sikot, nguni’t maraming nabubuksang mga discoveries at panibagong impormasyon hinggil sa pangdaigdigang hinaharap . Ni wala akong nakikini-kinitang panganib sa adventure na ito!

At dumarami ang napapabilang sa mga makabagong mga Pinoy futurists: mga mag-aaral at propesyunal, ang iba’y mga napapabilang sa academe at intelligentsia .

Sino naman ang di mahihikayat na makiisa sa makabagong ideya? Kesa naman mangalumbaba ako at magmukmok, eh di tahakin ko na lang ang mga positibong pangako ng hinaharap, di ba?

Tagahanga na ako ngayon ng dalawang sikat na futurists, si Raymond Kurzweil, artificial intelligence expert, at futurist Dick Pelletier ng www.positivefuturist.com .

Sabi ni Dick Pelletier , mga eksperto raw ang naniniguro sa tinatawag na “indefinite lifespans” , at ang life-extension ang natural na pag-unlad sa larangan ng medisina at kalusugan, kaakibat ang pagbagal ng pagtanda (“anti-aging technology”). Makabagong teknolohiya ang siyang tutulong sa tao upang maging mas matalino, mas malakas, mas mahaba ang buhay tungo sa isang “magical future”.

At si AI expert Raymond Kurzweil din, na siyang nagsaad: darating daw ang makabagong panahon kung saan maging ang mga makinang may consciousness ay hihingi na ng kanilang mga civil rights, at magbabago rin ang ating pagtingin sa sarili at ispiritwalidad , habang makikiisa tayo sa teknolohiya na siyang magbabago at magpapahaba ng ating buhay.

No comments: